Juan 19

Gumawa ang mga sundalo ng koronang tinik at ipinutong kay Hesus, at sinuotan nila siya ng kulay ubeng kapa.

John 19:2 (UKJV) And the soldiers intertwined a crown of thorns, and put it on his head, and they put on him a purple robe,

1Kaya ipinakuha ni Pilato si Hesus at ipinahagupit.

2Gumawa ang mga sundalo ng koronang tinik at ipinutong kay Hesus, at sinuotan nila siya ng kulay ubeng kapa.

3At paulit-ulit silang lumapit sa kanya at nagsabi, “Mabuhay ang hari ng mga Hudyo!” at pinagsasampal siya.

4Muling lumabas si Pilato at sinabi sa mga naroon, “Makinig kayo! Ihaharap ko siyang muli sa inyo. Gusto kong malaman nʼyo na wala akong nakitang kasalanan sa kanya!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.