Juan 19

Nang marinig ito ni Pilato, inilabas niya si Hesus sa palasyo. Pagkatapos, umupo siya sa upuan ng tagahatol, sa lugar na kung tawagin ay Batong Plataporma (na sa wikang Arameo ay Gabatha).

John 19:13 (UKJV) When Pilate therefore heard that saying, he brought Jesus forth, and sat down in the judgment seat in a place that is called the Pavement, but in the Hebrew, Gabbatha.

11Sumagot si Hesus, “Wala kang maaaring gawin sa akin kung hindi ka binigyan ng Diyos ng kapangyarihan. Kaya mas malaki ang kasalanan ng taong nagdala sa akin dito sa iyo.”

12Nang marinig ito ni Pilato, muli niyang sinikap na mapalaya si Hesus. Ngunit nagsigawan ang mga pinuno ng mga Hudyo, “Kapag pinalaya mo ang taong iyan, hindi ka kaibigan ng Emperador! Sapagkat ang sinumang nagsasabing hari siya ay sumasalungat sa Emperador.”

13Nang marinig ito ni Pilato, inilabas niya si Hesus sa palasyo. Pagkatapos, umupo siya sa upuan ng tagahatol, sa lugar na kung tawagin ay Batong Plataporma (na sa wikang Arameo ay Gabatha).

14Bandang tanghali na noon ng bisperas ng Pista ng Paglampas ng Anghel. Sinabi ni Pilato sa mga tao, “Narito ang hari ninyo!”

15Ngunit nagsigawan sila, “Patayin siya! Patayin siya! Ipako siya sa krus!” Sinabi ni Pilato sa kanila, “Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari?” Sumagot ang mga namamahalang pari, “Wala kaming ibang hari kundi ang Emperador!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.