Juan 19

palabas ng lungsod. Ipinapasan nila kay Hesus ang kanyang krus papunta sa lugar na tinatawag na Lugar ng Bungo (na sa wikang Arameo ay Golgota).

John 19:17 (UKJV) And he bearing his cross went forth into a place called the place of a skull, which is called in the Hebrew Golgotha:

15Ngunit nagsigawan sila, “Patayin siya! Patayin siya! Ipako siya sa krus!” Sinabi ni Pilato sa kanila, “Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari?” Sumagot ang mga namamahalang pari, “Wala kaming ibang hari kundi ang Emperador!”

16Kaya ibinigay ni Pilato sa kanila si Hesus upang ipako sa krus. Kaya dinala si Hesus ng mga sundalo

17palabas ng lungsod. Ipinapasan nila kay Hesus ang kanyang krus papunta sa lugar na tinatawag na Lugar ng Bungo (na sa wikang Arameo ay Golgota).

18Doon nila ipinako sa krus si Hesus, kasama ng dalawa pa. Sa kanan ang isa at ang isa namaʼy sa kaliwa, at nasa gitna nila si Hesus.

19Pinalagyan ni Pilato ng karatula ang krus ni Hesus, at ganito ang nakasulat: Si Hesus na taga-Nazaret, ang Hari ng mga Hudyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.