Juan 19

Doon nila ipinako sa krus si Hesus, kasama ng dalawa pa. Sa kanan ang isa at ang isa namaʼy sa kaliwa, at nasa gitna nila si Hesus.

John 19:18 (UKJV) Where they crucified him, and two other with him, on either side one, and Jesus in the midst.

16Kaya ibinigay ni Pilato sa kanila si Hesus upang ipako sa krus. Kaya dinala si Hesus ng mga sundalo

17palabas ng lungsod. Ipinapasan nila kay Hesus ang kanyang krus papunta sa lugar na tinatawag na Lugar ng Bungo (na sa wikang Arameo ay Golgota).

18Doon nila ipinako sa krus si Hesus, kasama ng dalawa pa. Sa kanan ang isa at ang isa namaʼy sa kaliwa, at nasa gitna nila si Hesus.

19Pinalagyan ni Pilato ng karatula ang krus ni Hesus, at ganito ang nakasulat: Si Hesus na taga-Nazaret, ang Hari ng mga Hudyo.

20Nakasulat ito sa mga wikang Arameo, Latin, at Griyego. Maraming Hudyo ang nakabasa nito, dahil malapit lang sa lungsod ang lugar kung saan ipinako sa krus si Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.