18Doon nila ipinako sa krus si Hesus, kasama ng dalawa pa. Sa kanan ang isa at ang isa namaʼy sa kaliwa, at nasa gitna nila si Hesus.
19Pinalagyan ni Pilato ng karatula ang krus ni Hesus, at ganito ang nakasulat: Si Hesus na taga-Nazaret, ang Hari ng mga Hudyo.
20Nakasulat ito sa mga wikang Arameo, Latin, at Griyego. Maraming Hudyo ang nakabasa nito, dahil malapit lang sa lungsod ang lugar kung saan ipinako sa krus si Hesus.
21Nagreklamo ang mga namamahalang pari kay Pilato, “Hindi dapat ‘hari ng mga Hudyo’ ang isinulat nʼyo kundi, ‘Sinabi ng taong ito na siya raw ang hari ng mga Hudyo.’ ”
22Ngunit sinagot sila ni Pilato, “Kung ano ang isinulat ko, iyon na.”