Juan 19

Nagreklamo ang mga namamahalang pari kay Pilato, “Hindi dapat ‘hari ng mga Hudyo’ ang isinulat nʼyo kundi, ‘Sinabi ng taong ito na siya raw ang hari ng mga Hudyo.’ ”

John 19:21 (UKJV) Then said the chief priests of the Jews to Pilate, Write not, The King of the Jews; but that he said, I am King of the Jews.

19Pinalagyan ni Pilato ng karatula ang krus ni Hesus, at ganito ang nakasulat: Si Hesus na taga-Nazaret, ang Hari ng mga Hudyo.

20Nakasulat ito sa mga wikang Arameo, Latin, at Griyego. Maraming Hudyo ang nakabasa nito, dahil malapit lang sa lungsod ang lugar kung saan ipinako sa krus si Hesus.

21Nagreklamo ang mga namamahalang pari kay Pilato, “Hindi dapat ‘hari ng mga Hudyo’ ang isinulat nʼyo kundi, ‘Sinabi ng taong ito na siya raw ang hari ng mga Hudyo.’ ”

22Ngunit sinagot sila ni Pilato, “Kung ano ang isinulat ko, iyon na.”

23Nang maipako na ng mga sundalo si Hesus, kinuha nila ang kanyang damit at hinati-hati sa apat, tig-iisang bahagi ang bawat sundalo. Kinuha rin nila ang kanyang panloob na kasuotan na hinabi nang buo at walang tahi o dugtong.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.