Juan 19

Kaya sinabi ng isang sundalo, “Huwag na natin itong paghatian. Magpalabunutan na lang tayo kung kanino ito mapupunta.” Nangyari ito upang matupad ang sinabi sa Kasulatan: “Ang aking mga damit ay kanilang pinaghati-hatian, at nagpalabunutan sila para sa aking panloob na kasuotan.” At ito nga ang ginawa ng mga sundalo.

John 19:24 (UKJV) They said therefore among themselves, Let us not rend it, but cast lots for it, whose it shall be: that the scripture might be fulfilled, which says, They parted my raiment among them, and for my vesture they did cast lots. These things therefore the soldiers did.

22Ngunit sinagot sila ni Pilato, “Kung ano ang isinulat ko, iyon na.”

23Nang maipako na ng mga sundalo si Hesus, kinuha nila ang kanyang damit at hinati-hati sa apat, tig-iisang bahagi ang bawat sundalo. Kinuha rin nila ang kanyang panloob na kasuotan na hinabi nang buo at walang tahi o dugtong.

24Kaya sinabi ng isang sundalo, “Huwag na natin itong paghatian. Magpalabunutan na lang tayo kung kanino ito mapupunta.” Nangyari ito upang matupad ang sinabi sa Kasulatan: “Ang aking mga damit ay kanilang pinaghati-hatian, at nagpalabunutan sila para sa aking panloob na kasuotan.” At ito nga ang ginawa ng mga sundalo.

25Nakatayo malapit sa krus ni Hesus ang kanyang ina, ang kapatid ng kanyang ina, si Maria na asawa ni Clopas, at si Maria na taga-Magdala.

26Nang makita ni Hesus ang kanyang ina na nakatayo roon katabi ng minamahal niyang alagad, sinabi niya, “Ituring po ninyo siyang anak.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.