25Nakatayo malapit sa krus ni Hesus ang kanyang ina, ang kapatid ng kanyang ina, si Maria na asawa ni Clopas, at si Maria na taga-Magdala.
26Nang makita ni Hesus ang kanyang ina na nakatayo roon katabi ng minamahal niyang alagad, sinabi niya, “Ituring po ninyo siyang anak.”
27At sinabi naman niya sa alagad niya, “Ituring mo siyang ina.” Mula noon, tumira na ang ina ni Hesus sa tahanan ng alagad na ito.
28Alam ni Hesus na tapos na ang misyon niya, at para matupad ang nakasulat sa Kasulatan, sinabi niya, “Nauuhaw ako.”
29May isang banga roon na puno ng maasim na alak. Isinawsaw ng mga sundalo ang isang espongha sa alak, ikinabit sa sanga ng hisopo at inilapit sa bibig ni Hesus.