Juan 19

Alam ni Hesus na tapos na ang misyon niya, at para matupad ang nakasulat sa Kasulatan, sinabi niya, “Nauuhaw ako.”

John 19:28 (UKJV) After this, Jesus knowing that all things were now accomplished, that the scripture might be fulfilled, says, I thirst.

26Nang makita ni Hesus ang kanyang ina na nakatayo roon katabi ng minamahal niyang alagad, sinabi niya, “Ituring po ninyo siyang anak.”

27At sinabi naman niya sa alagad niya, “Ituring mo siyang ina.” Mula noon, tumira na ang ina ni Hesus sa tahanan ng alagad na ito.

28Alam ni Hesus na tapos na ang misyon niya, at para matupad ang nakasulat sa Kasulatan, sinabi niya, “Nauuhaw ako.”

29May isang banga roon na puno ng maasim na alak. Isinawsaw ng mga sundalo ang isang espongha sa alak, ikinabit sa sanga ng hisopo at inilapit sa bibig ni Hesus.

30Nang masipsip na ni Hesus ang alak, sinabi niya, “Tapos na!” Iniyuko niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.