12at nakita niya ang dalawang anghel na nakaputi. Nakaupo sila sa pinaglagyan ng bangkay ni Hesus, isa sa may ulunan at isa sa may paanan.
13Tinanong nila si Maria, “Babae, bakit ka umiiyak?” Sumagot siya, “May kumuha sa Panginoon ko, at hindi ko alam kung saan siya dinala.”
14Pagkasabi nitoʼy lumingon siya at nakita si Hesus na nakatayo, pero hindi niya nakilala na si Hesus iyon.
15Tinanong siya ni Hesus, “Babae, bakit ka umiiyak? Sino ba ang hinahanap mo?” Sa pag-aakalang siya ang hardinero doon, sumagot si Maria, “Kung kayo po ang kumuha sa kanya, ituro nʼyo sa akin kung saan nʼyo siya dinala, at kukunin ko siya.”
16Sinabi ni Hesus sa kanya, “Maria!” Humarap si Maria kay Hesus at sinabi sa wikang Hebreo, “Raboni!” (na ang ibig sabihin ay “Guro”).