Juan 21

Sinabi ni Simon Pedro sa kanila, “Mangingisda ako.” Sumagot sila, “Sasáma kami.” Kaya sumakay sila sa bangka at pumalaot. Ngunit wala silang nahuli nang gabing iyon.

John 21:3 (UKJV) Simon Peter says unto them, I go a fishing. They say unto him, We also go with you. They went forth, and entered into a ship immediately; and that night they caught nothing.

1Pagkalipas ng ilang araw, muling nagpakita si Hesus sa mga alagad niya sa may lawa ng Tiberias. Ganito ang nangyari:

2Magkakasama noon sina Simon Pedro, Tomas (na tinatawag ding Kambal), Natanael na taga-Cana na bayan sa Galilea, mga anak ni Zebedeo, at dalawa pang mga alagad.

3Sinabi ni Simon Pedro sa kanila, “Mangingisda ako.” Sumagot sila, “Sasáma kami.” Kaya sumakay sila sa bangka at pumalaot. Ngunit wala silang nahuli nang gabing iyon.

4Nang madaling-araw na, may nakita silang nakatayo sa dalampasigan, ngunit hindi nila nakilala na si Hesus iyon.

5Tinawag sila ni Hesus, “Mga kaibigan, may huli ba kayo?” Sumagot sila, “Wala po.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.