2Magkakasama noon sina Simon Pedro, Tomas (na tinatawag ding Kambal), Natanael na taga-Cana na bayan sa Galilea, mga anak ni Zebedeo, at dalawa pang mga alagad.
3Sinabi ni Simon Pedro sa kanila, “Mangingisda ako.” Sumagot sila, “Sasáma kami.” Kaya sumakay sila sa bangka at pumalaot. Ngunit wala silang nahuli nang gabing iyon.
4Nang madaling-araw na, may nakita silang nakatayo sa dalampasigan, ngunit hindi nila nakilala na si Hesus iyon.
5Tinawag sila ni Hesus, “Mga kaibigan, may huli ba kayo?” Sumagot sila, “Wala po.”
6Sinabi ni Hesus sa kanila, “Ihulog nʼyo ang lambat sa gawing kanan ng bangka at makakahuli kayo.” Iyon nga ang ginawa nila, at nang hilain nila iyoʼy hindi nila maitaas ang lambat sa dami ng nahuli nilang isda.