Juan 21

Magkakasama noon sina Simon Pedro, Tomas (na tinatawag ding Kambal), Natanael na taga-Cana na bayan sa Galilea, mga anak ni Zebedeo, at dalawa pang mga alagad.

John 21:2 (UKJV) There were together Simon Peter, and Thomas called Didymus, and Nathanael of Cana in Galilee, and the sons of Zebedee, and two other of his disciples.

1Pagkalipas ng ilang araw, muling nagpakita si Hesus sa mga alagad niya sa may lawa ng Tiberias. Ganito ang nangyari:

2Magkakasama noon sina Simon Pedro, Tomas (na tinatawag ding Kambal), Natanael na taga-Cana na bayan sa Galilea, mga anak ni Zebedeo, at dalawa pang mga alagad.

3Sinabi ni Simon Pedro sa kanila, “Mangingisda ako.” Sumagot sila, “Sasáma kami.” Kaya sumakay sila sa bangka at pumalaot. Ngunit wala silang nahuli nang gabing iyon.

4Nang madaling-araw na, may nakita silang nakatayo sa dalampasigan, ngunit hindi nila nakilala na si Hesus iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.