Juan 3

Isang gabi, pumunta siya kay Hesus at sinabi, “Rabbi, alam naming isa kayong tagapagturo na nagmula sa Diyos, dahil walang makagagawa ng mga himalang ginagawa ninyo, maliban kung sumasakanya ang Diyos.”

John 3:2 (UKJV) The same came to Jesus by night, and said unto him, Rabbi, we know that you are a teacher come from God: for no man can do these miracles that you do, except God be with him.

1May isang Pariseo na nagngangalang Nicodemo. Isa siya sa mga pinuno ng mga Hudyo.

2Isang gabi, pumunta siya kay Hesus at sinabi, “Rabbi, alam naming isa kayong tagapagturo na nagmula sa Diyos, dahil walang makagagawa ng mga himalang ginagawa ninyo, maliban kung sumasakanya ang Diyos.”

3Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakaranas sa paghahari ng Diyos, malibang ipanganak siyang muli.”

4Nagtanong si Nicodemo, “Paanong maipapanganak muli ang isang taong matanda na? Hindi naman siya puwedeng bumalik sa tiyan ng kanyang ina upang ipanganak muli!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.