Juan 3

Nagtanong si Nicodemo, “Paanong maipapanganak muli ang isang taong matanda na? Hindi naman siya puwedeng bumalik sa tiyan ng kanyang ina upang ipanganak muli!”

John 3:4 (UKJV) Nicodemus says unto him, How can a man be born when he is old? can he enter the second time into his mother's womb, and be born?

2Isang gabi, pumunta siya kay Hesus at sinabi, “Rabbi, alam naming isa kayong tagapagturo na nagmula sa Diyos, dahil walang makagagawa ng mga himalang ginagawa ninyo, maliban kung sumasakanya ang Diyos.”

3Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakaranas sa paghahari ng Diyos, malibang ipanganak siyang muli.”

4Nagtanong si Nicodemo, “Paanong maipapanganak muli ang isang taong matanda na? Hindi naman siya puwedeng bumalik sa tiyan ng kanyang ina upang ipanganak muli!”

5Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakapasok sa kaharian ng Diyos, malibang ipanganak siya sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu.

6Ang ipinanganak ng tao ay sumusunod sa ugali ng tao. Ngunit ang ipinanganak sa Espiritu ay sumusunod sa ugali ng Espiritu.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.