3Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakaranas sa paghahari ng Diyos, malibang ipanganak siyang muli.”
4Nagtanong si Nicodemo, “Paanong maipapanganak muli ang isang taong matanda na? Hindi naman siya puwedeng bumalik sa tiyan ng kanyang ina upang ipanganak muli!”
5Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakapasok sa kaharian ng Diyos, malibang ipanganak siya sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu.
6Ang ipinanganak ng tao ay sumusunod sa ugali ng tao. Ngunit ang ipinanganak sa Espiritu ay sumusunod sa ugali ng Espiritu.
7Kaya huwag kang magtaka sa sinabi ko saʼyo na kailangang ipanganak kang muli.