5Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakapasok sa kaharian ng Diyos, malibang ipanganak siya sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu.
6Ang ipinanganak ng tao ay sumusunod sa ugali ng tao. Ngunit ang ipinanganak sa Espiritu ay sumusunod sa ugali ng Espiritu.
7Kaya huwag kang magtaka sa sinabi ko saʼyo na kailangang ipanganak kang muli.
8Ang hangin ay umiihip kung saan nito gusto. Nararamdaman natin ito ngunit hindi natin alam kung saan ito nanggagaling o saan papunta. Ganyan din kahirap maunawaan ang kapanganakang espirituwal.”
9Nagtanong muli si Nicodemo, “Paano po mangyayari ʼyon?”