Juan 5

kung saan nakahiga ang maraming maysakit; mga bulag, pilay, at mga paralitiko. [

John 5:3 (UKJV) In these lay a great multitude of impotent folk, of blind, halt, withered, waiting for the moving of the water.

1Pagkaraan nitoʼy pumunta si Hesus sa Jerusalem upang dumalo sa isang pista ng mga Hudyo.

2Malapit sa isang pintuan ng Jerusalem na tinatawag na Pintuan ng Tupa ay may paliguan na ang tawag sa wikang Arameo ay Betsata. Sa paligid nito ay may limang silungan,

3kung saan nakahiga ang maraming maysakit; mga bulag, pilay, at mga paralitiko. [

4Naroon sila dahil paminsan-minsan, may isang anghel ng Diyos na bumababa at kinakalawkaw ang tubig. Ang unang makalusong sa tubig pagkatapos makalawkaw ay gumagaling, kahit ano pa ang kanyang sakit.]

5May isang lalaki roon na tatlumpuʼt walong taon nang may sakit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.