Juan 5

Malapit sa isang pintuan ng Jerusalem na tinatawag na Pintuan ng Tupa ay may paliguan na ang tawag sa wikang Arameo ay Betsata. Sa paligid nito ay may limang silungan,

John 5:2 (UKJV) Now there is at Jerusalem by the sheep market a pool, which is called in the Hebrew tongue Bethesda, having five porches.

1Pagkaraan nitoʼy pumunta si Hesus sa Jerusalem upang dumalo sa isang pista ng mga Hudyo.

2Malapit sa isang pintuan ng Jerusalem na tinatawag na Pintuan ng Tupa ay may paliguan na ang tawag sa wikang Arameo ay Betsata. Sa paligid nito ay may limang silungan,

3kung saan nakahiga ang maraming maysakit; mga bulag, pilay, at mga paralitiko. [

4Naroon sila dahil paminsan-minsan, may isang anghel ng Diyos na bumababa at kinakalawkaw ang tubig. Ang unang makalusong sa tubig pagkatapos makalawkaw ay gumagaling, kahit ano pa ang kanyang sakit.]

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.