Juan 5

Naroon sila dahil paminsan-minsan, may isang anghel ng Diyos na bumababa at kinakalawkaw ang tubig. Ang unang makalusong sa tubig pagkatapos makalawkaw ay gumagaling, kahit ano pa ang kanyang sakit.]

John 5:4 (UKJV) For an angel went down at a certain season into the pool, and troubled the water: whosoever then first after the troubling of the water stepped in was made whole of whatsoever disease he had.

2Malapit sa isang pintuan ng Jerusalem na tinatawag na Pintuan ng Tupa ay may paliguan na ang tawag sa wikang Arameo ay Betsata. Sa paligid nito ay may limang silungan,

3kung saan nakahiga ang maraming maysakit; mga bulag, pilay, at mga paralitiko. [

4Naroon sila dahil paminsan-minsan, may isang anghel ng Diyos na bumababa at kinakalawkaw ang tubig. Ang unang makalusong sa tubig pagkatapos makalawkaw ay gumagaling, kahit ano pa ang kanyang sakit.]

5May isang lalaki roon na tatlumpuʼt walong taon nang may sakit.

6Nakita siya ni Hesus na nakahiga roon at napagtanto niyang matagal na itong may sakit. Kaya tinanong siya ni Hesus, “Gusto mo bang gumaling?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.