Juan 6

Samantala, may ilang mga bangka galing ng Tiberias na dumaong malapit sa lugar kung saan ipinagpasalamat ng Panginoon ang tinapay at nakakain ang maraming mga tao.

John 6:23 (UKJV) (nevertheless there came other boats from Tiberias nigh unto the place where they did eat bread, after that the Lord had given thanks:)

21Malugod nilang pinasakay si Hesus sa bangka, at nakarating agad sila sa kanilang pupuntahan.

22Kinabukasan, naalala ng mga taong naiwan sa kabila ng lawa na iisa lang ang bangkang naroon nang nakalipas na araw at ito ang ginamit ng mga alagad ni Hesus, ngunit hindi siya kasama.

23Samantala, may ilang mga bangka galing ng Tiberias na dumaong malapit sa lugar kung saan ipinagpasalamat ng Panginoon ang tinapay at nakakain ang maraming mga tao.

24Nang mapansin ng mga tao na wala na roon si Hesus at ang mga alagad niya, sumakay sila sa mga bangkang iyon at pumunta sa Capernaum para hanapin si Hesus.

25Pagdating ng mga tao sa Capernaum, sa kabila ng lawa, nakita nila si Hesus at tinanong, “Rabbi, kailan pa po kayo dumating dito?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.