22Kinabukasan, naalala ng mga taong naiwan sa kabila ng lawa na iisa lang ang bangkang naroon nang nakalipas na araw at ito ang ginamit ng mga alagad ni Hesus, ngunit hindi siya kasama.
23Samantala, may ilang mga bangka galing ng Tiberias na dumaong malapit sa lugar kung saan ipinagpasalamat ng Panginoon ang tinapay at nakakain ang maraming mga tao.
24Nang mapansin ng mga tao na wala na roon si Hesus at ang mga alagad niya, sumakay sila sa mga bangkang iyon at pumunta sa Capernaum para hanapin si Hesus.
25Pagdating ng mga tao sa Capernaum, sa kabila ng lawa, nakita nila si Hesus at tinanong, “Rabbi, kailan pa po kayo dumating dito?”
26Sumagot si Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hinahanap nʼyo ako dahil kumain kayo at nabusog, hindi dahil naunawaan ninyo ang mga kamangha-manghang tanda na ginawa ko.