2“Pumunta ka sa malaking lungsod ng Nineve, at bigyan mo ng babala ang mga tagaroon, dahil umabot na sa aking kaalaman ang kanilang kasamaan.”
3Ngunit tumakas agad si Jonas sa Panginoon at nagpasyang pumunta sa Tarsis. Pumunta siya sa Joppa at nakakita siya roon ng barkong maglalayag papuntang Tarsis. Kaya nagbayad siya ng pamasahe at sumakay sa barko kasama ng mga tripulante at ng iba pang mga pasahero upang tumakas sa Panginoon.
4Nang nasa laot na sila, nagpadala ang Panginoon ng napakalakas na hangin at halos mawasak na ang barko.
5Kaya natakot ang mga tripulante, at ang bawat isa sa kanila ay humingi ng tulong sa kani-kanilang diyos. Itinapon nila ang kanilang mga kargamento sa dagat para gumaan ang barko. Si Jonas naman ay nakababa na noon sa ilalim na bahagi ng barko, humiga siya at nakatulog nang mahimbing.
6Pinuntahan siya ng kapitan ng barko at sinabi sa kanya, “Nagagawa mo pang matulog sa ganitong kalagayan? Bumangon ka at humingi ng tulong sa iyong diyos! Baka sakaling maawa siya sa atin, at iligtas niya tayo sa kamatayan.”