Jonas 1

Ngunit tumakas agad si Jonas sa Panginoon at nagpasyang pumunta sa Tarsis. Pumunta siya sa Joppa at nakakita siya roon ng barkong maglalayag papuntang Tarsis. Kaya nagbayad siya ng pamasahe at sumakay sa barko kasama ng mga tripulante at ng iba pang mga pasahero upang tumakas sa Panginoon.

Jonah 1:3 (UKJV) But Jonah rose up to flee unto Tarshish from the presence of the LORD, and went down to Joppa; and he found a ship going to Tarshish: so he paid the fare thereof, and went down into it, to go with them unto Tarshish from the presence of the LORD.

1Nagsalita ang Panginoon kay Jonas na anak ni Amitai. Sinabi niya,

2“Pumunta ka sa malaking lungsod ng Nineve, at bigyan mo ng babala ang mga tagaroon, dahil umabot na sa aking kaalaman ang kanilang kasamaan.”

3Ngunit tumakas agad si Jonas sa Panginoon at nagpasyang pumunta sa Tarsis. Pumunta siya sa Joppa at nakakita siya roon ng barkong maglalayag papuntang Tarsis. Kaya nagbayad siya ng pamasahe at sumakay sa barko kasama ng mga tripulante at ng iba pang mga pasahero upang tumakas sa Panginoon.

4Nang nasa laot na sila, nagpadala ang Panginoon ng napakalakas na hangin at halos mawasak na ang barko.

5Kaya natakot ang mga tripulante, at ang bawat isa sa kanila ay humingi ng tulong sa kani-kanilang diyos. Itinapon nila ang kanilang mga kargamento sa dagat para gumaan ang barko. Si Jonas naman ay nakababa na noon sa ilalim na bahagi ng barko, humiga siya at nakatulog nang mahimbing.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.