1Nagsalita ang Panginoon kay Jonas na anak ni Amitai. Sinabi niya,
2“Pumunta ka sa malaking lungsod ng Nineve, at bigyan mo ng babala ang mga tagaroon, dahil umabot na sa aking kaalaman ang kanilang kasamaan.”
3Ngunit tumakas agad si Jonas sa Panginoon at nagpasyang pumunta sa Tarsis. Pumunta siya sa Joppa at nakakita siya roon ng barkong maglalayag papuntang Tarsis. Kaya nagbayad siya ng pamasahe at sumakay sa barko kasama ng mga tripulante at ng iba pang mga pasahero upang tumakas sa Panginoon.
4Nang nasa laot na sila, nagpadala ang Panginoon ng napakalakas na hangin at halos mawasak na ang barko.