1Nanalangin si Jonas sa Panginoon na kanyang Diyos sa loob ng tiyan ng isda.
2Sinabi niya, “Panginoon, sa paghihirap ng aking kalooban at kalagayan humingi ako ng tulong sa inyo, at sinagot nʼyo ako. Sa bingit ng kamatayan, humingi ako ng tulong sa inyo, at pinakinggan nʼyo ako.
3Inihagis nʼyo ako sa pusod ng dagat. Napalibutan ako ng tubig at natabunan ng mga alon na ipinadala ninyo.
4Pinalayas nʼyo ako sa inyong harapan, ngunit umaasa pa rin ako na makakalapit muli ako sa inyo doon sa inyong banal na Templo.
5Lumubog po ako sa tubig at halos malunod. Natabunan ako ng tubig at napuluputan ang ulo ko ng mga halamang-dagat.