Jonas 2

Lumubog po ako sa tubig at halos malunod. Natabunan ako ng tubig at napuluputan ang ulo ko ng mga halamang-dagat.

Jonah 2:5 (UKJV) The waters compassed me about, even to the soul: the depth closed me round about, the weeds were wrapped about my head.

3Inihagis nʼyo ako sa pusod ng dagat. Napalibutan ako ng tubig at natabunan ng mga alon na ipinadala ninyo.

4Pinalayas nʼyo ako sa inyong harapan, ngunit umaasa pa rin ako na makakalapit muli ako sa inyo doon sa inyong banal na Templo.

5Lumubog po ako sa tubig at halos malunod. Natabunan ako ng tubig at napuluputan ang ulo ko ng mga halamang-dagat.

6Lumubog ako hanggang sa pinakailalim ng dagat, at parang ikinulong sa kailaliman ng lupa magpakailanman. Ngunit kinuha nʼyo ako sa kailalimang iyon, O Panginoon kong Diyos.

7“Nang malapit na akong mamatay, tumawag ako sa inyo, Panginoon, at pinakinggan nʼyo ang dalangin ko doon sa inyong banal na Templo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.