4Pinalayas nʼyo ako sa inyong harapan, ngunit umaasa pa rin ako na makakalapit muli ako sa inyo doon sa inyong banal na Templo.
5Lumubog po ako sa tubig at halos malunod. Natabunan ako ng tubig at napuluputan ang ulo ko ng mga halamang-dagat.
6Lumubog ako hanggang sa pinakailalim ng dagat, at parang ikinulong sa kailaliman ng lupa magpakailanman. Ngunit kinuha nʼyo ako sa kailalimang iyon, O Panginoon kong Diyos.
7“Nang malapit na akong mamatay, tumawag ako sa inyo, Panginoon, at pinakinggan nʼyo ang dalangin ko doon sa inyong banal na Templo.
8“Ang mga taong sumasamba sa mga walang kuwentang diyos-diyosan ay hindi na tapat sa inyo.