6Lumubog ako hanggang sa pinakailalim ng dagat, at parang ikinulong sa kailaliman ng lupa magpakailanman. Ngunit kinuha nʼyo ako sa kailalimang iyon, O Panginoon kong Diyos.
7“Nang malapit na akong mamatay, tumawag ako sa inyo, Panginoon, at pinakinggan nʼyo ang dalangin ko doon sa inyong banal na Templo.
8“Ang mga taong sumasamba sa mga walang kuwentang diyos-diyosan ay hindi na tapat sa inyo.
9Ngunit maghahandog ako sa inyo nang may awit ng pasasalamat. Tutuparin ko ang pangako ko na maghahandog sa inyo. Kayo po, Panginoon, ang nagliligtas.”
10Kaya inutusan ng Panginoon ang isda, at iniluwa nito si Jonas sa dalampasigan.