Jonas 2

“Nang malapit na akong mamatay, tumawag ako sa inyo, Panginoon, at pinakinggan nʼyo ang dalangin ko doon sa inyong banal na Templo.

Jonah 2:7 (UKJV) When my soul fainted within me I remembered the LORD: and my prayer came in unto you, into yours holy temple.

5Lumubog po ako sa tubig at halos malunod. Natabunan ako ng tubig at napuluputan ang ulo ko ng mga halamang-dagat.

6Lumubog ako hanggang sa pinakailalim ng dagat, at parang ikinulong sa kailaliman ng lupa magpakailanman. Ngunit kinuha nʼyo ako sa kailalimang iyon, O Panginoon kong Diyos.

7“Nang malapit na akong mamatay, tumawag ako sa inyo, Panginoon, at pinakinggan nʼyo ang dalangin ko doon sa inyong banal na Templo.

8“Ang mga taong sumasamba sa mga walang kuwentang diyos-diyosan ay hindi na tapat sa inyo.

9Ngunit maghahandog ako sa inyo nang may awit ng pasasalamat. Tutuparin ko ang pangako ko na maghahandog sa inyo. Kayo po, Panginoon, ang nagliligtas.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.