Josue 10

Nang lumubog na ang araw, ipinakuha ni Josue ang mga bangkay nila at ipinatapon sa kuweba na pinagtaguan nila. Tinakpan nila ang bunganga ng kuweba ng malalaking bato na hanggang ngayon ay naroon pa.

Joshua 10:27 (UKJV) And it came to pass at the time of the going down of the sun, that Joshua commanded, and they took them down off the trees, and cast them into the cave wherein they had been hid, and laid great stones in the cave's mouth, which remain until this very day.

25Sinabi sa kanila ni Josue, “Huwag kayong matakot o kayaʼy panghinaan ng loob. Magpakatatag kayo at magpakatapang. Ito ang gagawin ng Panginoon sa lahat ng kalaban ninyo.”

26At pinatay ni Josue ang limang hari at ipinabitin sa limang puno hanggang hapon.

27Nang lumubog na ang araw, ipinakuha ni Josue ang mga bangkay nila at ipinatapon sa kuweba na pinagtaguan nila. Tinakpan nila ang bunganga ng kuweba ng malalaking bato na hanggang ngayon ay naroon pa.

28Nang araw na iyon, sinakop ni Josue ang Makeda. Pinapatay niya ang lahat ng naninirahan dito, pati na ang hari nito. Nilipol niya ito nang lubusan, at walang naiwang buhay. Ginawa ni Josue sa hari ng Makeda ang ginawa rin niya sa hari ng Jerico.

29Mula sa Makeda, pumunta si Josue at ang mga Israelita sa Libna at nilusob ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.