Josue 10

Nang araw na iyon, sinakop ni Josue ang Makeda. Pinapatay niya ang lahat ng naninirahan dito, pati na ang hari nito. Nilipol niya ito nang lubusan, at walang naiwang buhay. Ginawa ni Josue sa hari ng Makeda ang ginawa rin niya sa hari ng Jerico.

Joshua 10:28 (UKJV) And that day Joshua took Makkedah, and stroke it with the edge of the sword, and the king thereof he utterly destroyed, them, and all the souls that were therein; he let none remain: and he did to the king of Makkedah as he did unto the king of Jericho.

26At pinatay ni Josue ang limang hari at ipinabitin sa limang puno hanggang hapon.

27Nang lumubog na ang araw, ipinakuha ni Josue ang mga bangkay nila at ipinatapon sa kuweba na pinagtaguan nila. Tinakpan nila ang bunganga ng kuweba ng malalaking bato na hanggang ngayon ay naroon pa.

28Nang araw na iyon, sinakop ni Josue ang Makeda. Pinapatay niya ang lahat ng naninirahan dito, pati na ang hari nito. Nilipol niya ito nang lubusan, at walang naiwang buhay. Ginawa ni Josue sa hari ng Makeda ang ginawa rin niya sa hari ng Jerico.

29Mula sa Makeda, pumunta si Josue at ang mga Israelita sa Libna at nilusob ito.

30Ipinasakamay ng Panginoon sa Israel ang lungsod at ang hari nito. Pinatay nila ang lahat ng naninirahan dito, at walang naiwang buhay. Ginawa ni Josue sa hari ng Libna ang ginawa niya sa hari ng Jerico.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.