28Nang araw na iyon, sinakop ni Josue ang Makeda. Pinapatay niya ang lahat ng naninirahan dito, pati na ang hari nito. Nilipol niya ito nang lubusan, at walang naiwang buhay. Ginawa ni Josue sa hari ng Makeda ang ginawa rin niya sa hari ng Jerico.
29Mula sa Makeda, pumunta si Josue at ang mga Israelita sa Libna at nilusob ito.
30Ipinasakamay ng Panginoon sa Israel ang lungsod at ang hari nito. Pinatay nila ang lahat ng naninirahan dito, at walang naiwang buhay. Ginawa ni Josue sa hari ng Libna ang ginawa niya sa hari ng Jerico.
31Mula sa Libna, pumunta si Josue at ang mga Israelita sa Laquis. Pinalibutan nila ito at nilusob.
32Ibinigay ng Panginoon ang Laquis sa mga Israelita sa ikalawang araw ng labanan. Gaya ng ginawa nila sa Libna, pinatay din nila ang lahat ng naninirahan sa Laquis.