Josue 10

Mula sa Makeda, pumunta si Josue at ang mga Israelita sa Libna at nilusob ito.

Joshua 10:29 (UKJV) Then Joshua passed from Makkedah, and all Israel with him, unto Libnah, and fought against Libnah:

27Nang lumubog na ang araw, ipinakuha ni Josue ang mga bangkay nila at ipinatapon sa kuweba na pinagtaguan nila. Tinakpan nila ang bunganga ng kuweba ng malalaking bato na hanggang ngayon ay naroon pa.

28Nang araw na iyon, sinakop ni Josue ang Makeda. Pinapatay niya ang lahat ng naninirahan dito, pati na ang hari nito. Nilipol niya ito nang lubusan, at walang naiwang buhay. Ginawa ni Josue sa hari ng Makeda ang ginawa rin niya sa hari ng Jerico.

29Mula sa Makeda, pumunta si Josue at ang mga Israelita sa Libna at nilusob ito.

30Ipinasakamay ng Panginoon sa Israel ang lungsod at ang hari nito. Pinatay nila ang lahat ng naninirahan dito, at walang naiwang buhay. Ginawa ni Josue sa hari ng Libna ang ginawa niya sa hari ng Jerico.

31Mula sa Libna, pumunta si Josue at ang mga Israelita sa Laquis. Pinalibutan nila ito at nilusob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.