Josue 10

Ibinigay ng Panginoon ang Laquis sa mga Israelita sa ikalawang araw ng labanan. Gaya ng ginawa nila sa Libna, pinatay din nila ang lahat ng naninirahan sa Laquis.

Joshua 10:32 (UKJV) And the LORD delivered Lachish into the hand of Israel, which took it on the second day, and stroke it with the edge of the sword, and all the souls that were therein, according to all that he had done to Libnah.

30Ipinasakamay ng Panginoon sa Israel ang lungsod at ang hari nito. Pinatay nila ang lahat ng naninirahan dito, at walang naiwang buhay. Ginawa ni Josue sa hari ng Libna ang ginawa niya sa hari ng Jerico.

31Mula sa Libna, pumunta si Josue at ang mga Israelita sa Laquis. Pinalibutan nila ito at nilusob.

32Ibinigay ng Panginoon ang Laquis sa mga Israelita sa ikalawang araw ng labanan. Gaya ng ginawa nila sa Libna, pinatay din nila ang lahat ng naninirahan sa Laquis.

33Habang nilulusob nila ang Laquis, si Haring Horam ng Gezer at ang mga sundalo nito ay tumulong sa Laquis, pero natalo sila ni Josue, at walang naiwang buháy sa kanila.

34Mula sa Laquis, pumunta si Josue at ang mga Israelita sa Eglon. Pinalibutan din nila ito at nilusob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.