32Ibinigay ng Panginoon ang Laquis sa mga Israelita sa ikalawang araw ng labanan. Gaya ng ginawa nila sa Libna, pinatay din nila ang lahat ng naninirahan sa Laquis.
33Habang nilulusob nila ang Laquis, si Haring Horam ng Gezer at ang mga sundalo nito ay tumulong sa Laquis, pero natalo sila ni Josue, at walang naiwang buháy sa kanila.
34Mula sa Laquis, pumunta si Josue at ang mga Israelita sa Eglon. Pinalibutan din nila ito at nilusob.
35Sa mismong araw na iyon, nasakop nila ang Eglon at pinatay ang lahat ng naninirahan dito. Nilipol nila ito nang lubusan gaya ng ginawa nila sa Laquis.
36Mula sa Eglon, umahon si Josue at ang mga Israelita sa Hebron at nilusob ito.