33Habang nilulusob nila ang Laquis, si Haring Horam ng Gezer at ang mga sundalo nito ay tumulong sa Laquis, pero natalo sila ni Josue, at walang naiwang buháy sa kanila.
34Mula sa Laquis, pumunta si Josue at ang mga Israelita sa Eglon. Pinalibutan din nila ito at nilusob.
35Sa mismong araw na iyon, nasakop nila ang Eglon at pinatay ang lahat ng naninirahan dito. Nilipol nila ito nang lubusan gaya ng ginawa nila sa Laquis.
36Mula sa Eglon, umahon si Josue at ang mga Israelita sa Hebron at nilusob ito.
37Sinakop nila ang lungsod, at pinatay nila ang hari at ang lahat ng naninirahan dito, pati na ang mga tao sa karatig baryo. Walang naiwang buhay. Winasak nila nang lubusan ang buong lungsod gaya ng ginawa nila sa Eglon.