Josue 10

Habang nilulusob nila ang Laquis, si Haring Horam ng Gezer at ang mga sundalo nito ay tumulong sa Laquis, pero natalo sila ni Josue, at walang naiwang buháy sa kanila.

Joshua 10:33 (UKJV) Then Horam king of Gezer came up to help Lachish; and Joshua stroke him and his people, until he had left him none remaining.

31Mula sa Libna, pumunta si Josue at ang mga Israelita sa Laquis. Pinalibutan nila ito at nilusob.

32Ibinigay ng Panginoon ang Laquis sa mga Israelita sa ikalawang araw ng labanan. Gaya ng ginawa nila sa Libna, pinatay din nila ang lahat ng naninirahan sa Laquis.

33Habang nilulusob nila ang Laquis, si Haring Horam ng Gezer at ang mga sundalo nito ay tumulong sa Laquis, pero natalo sila ni Josue, at walang naiwang buháy sa kanila.

34Mula sa Laquis, pumunta si Josue at ang mga Israelita sa Eglon. Pinalibutan din nila ito at nilusob.

35Sa mismong araw na iyon, nasakop nila ang Eglon at pinatay ang lahat ng naninirahan dito. Nilipol nila ito nang lubusan gaya ng ginawa nila sa Laquis.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.