38Pagkatapos nito, bumalik si Josue at ang mga Israelita at lumusob sa Debir.
39Inagaw nila ang lungsod at pinatay ang hari at ang lahat ng naninirahan dito, pati ang mga tao sa karatig baryo. Nilipol nila ito nang lubusan, at walang naiwang buhay. Ang ginawa nila sa Hebron at Libna at sa mga hari nito ay ginawa rin nila sa Debir at sa hari nito.
40Sinakop nga ni Josue ang buong lupain – ang mga kabundukan, ang Negeb, ang kaburulan sa kanluran at mga libis, pati na ang mga hari nito. Nilipol nang lubusan nina Josue ang lahat ng naninirahan dito, at walang naiwang buhay. Ginawa nila ito ayon sa utos ng Panginoon, ang Diyos ng Israel.
41Sinakop ni Josue ang mga lugar mula sa Kades-barnea hanggang sa Gaza, at mula sa buong lupain ng Goshen hanggang sa Gibeon.
42Sinakop ni Josue ang lahat ng lupain at ang mga hari nito sa minsanang paglusob lamang, dahil ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, ang tumulong sa kanila sa pakikipaglaban.