Josue 10

Sinakop ni Josue ang lahat ng lupain at ang mga hari nito sa minsanang paglusob lamang, dahil ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, ang tumulong sa kanila sa pakikipaglaban.

Joshua 10:42 (UKJV) And all these kings and their land did Joshua take at the same, because the LORD God of Israel fought for Israel.

40Sinakop nga ni Josue ang buong lupain – ang mga kabundukan, ang Negeb, ang kaburulan sa kanluran at mga libis, pati na ang mga hari nito. Nilipol nang lubusan nina Josue ang lahat ng naninirahan dito, at walang naiwang buhay. Ginawa nila ito ayon sa utos ng Panginoon, ang Diyos ng Israel.

41Sinakop ni Josue ang mga lugar mula sa Kades-barnea hanggang sa Gaza, at mula sa buong lupain ng Goshen hanggang sa Gibeon.

42Sinakop ni Josue ang lahat ng lupain at ang mga hari nito sa minsanang paglusob lamang, dahil ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, ang tumulong sa kanila sa pakikipaglaban.

43Pagkatapos, bumalik si Josue at ang lahat ng Israelita sa kampo nila sa Gilgal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.