Josue 10

Kaya nagkaisa ang limang hari ng mga Amoreo: ang hari ng Jerusalem, Hebron, Jarmut, Laquis at Eglon. Tinipon nila ang mga sundalo nila at nilusob ang Gibeon.

Joshua 10:5 (UKJV) Therefore the five kings of the Amorites, the king of Jerusalem, the king of Hebron, the king of Jarmuth, the king of Lachish, the king of Eglon, gathered themselves together, and went up, they and all their hosts, and encamped before Gibeon, and made war against it.

3Kaya nagpadala ng mensahe si Haring Adoni-zedek ng Jerusalem kina Haring Hoham ng Hebron, Haring Piram ng Jarmut, Haring Jafia ng Laquis, at Haring Debir ng Eglon.

4Ito ang mensahe niya, “Tulungan nʼyo akong lusubin ang Gibeon dahil nakipagkaibigan ito kay Josue at sa mga Israelita.”

5Kaya nagkaisa ang limang hari ng mga Amoreo: ang hari ng Jerusalem, Hebron, Jarmut, Laquis at Eglon. Tinipon nila ang mga sundalo nila at nilusob ang Gibeon.

6Nagsugo agad ng mensahero ang mga taga-Gibeon kay Josue sa kampo nito sa Gilgal. Sinabi nila, “Huwag nʼyo kaming pabayaan, kaming mga lingkod ninyo. Pumunta po kayo agad dito at iligtas kami. Tulungan nʼyo kami dahil pinagtutulungan kami ng lahat ng hari ng mga Amoreo na nakatira sa mga kabundukan.”

7Kaya umalis si Josue sa Gilgal kasama ang lahat ng sundalo niya, pati ang lahat ng mahuhusay na mandirigma.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.