6Nagsugo agad ng mensahero ang mga taga-Gibeon kay Josue sa kampo nito sa Gilgal. Sinabi nila, “Huwag nʼyo kaming pabayaan, kaming mga lingkod ninyo. Pumunta po kayo agad dito at iligtas kami. Tulungan nʼyo kami dahil pinagtutulungan kami ng lahat ng hari ng mga Amoreo na nakatira sa mga kabundukan.”
7Kaya umalis si Josue sa Gilgal kasama ang lahat ng sundalo niya, pati ang lahat ng mahuhusay na mandirigma.
8Sinabi ng Panginoon kay Josue, “Huwag kang matakot sa kanila. Ipapasakamay ko sila saʼyo. Wala kahit isa sa kanila ang makakatalo sa iyo.”
9Buong gabing naglakad sina Josue mula sa Gilgal, at bigla silang lumusob sa mga kalaban na walang kamalay-malay.
10Sinindak ng Panginoon ang mga kalaban nang makaharap nila ang mga Israelita, at marami sa kanila ang pinatay doon sa Gibeon. Ang iba sa kanilaʼy hinabol at pinatay sa daang paakyat sa Bet-horon hanggang sa Azeka at Makeda.