7Kaya umalis si Josue sa Gilgal kasama ang lahat ng sundalo niya, pati ang lahat ng mahuhusay na mandirigma.
8Sinabi ng Panginoon kay Josue, “Huwag kang matakot sa kanila. Ipapasakamay ko sila saʼyo. Wala kahit isa sa kanila ang makakatalo sa iyo.”
9Buong gabing naglakad sina Josue mula sa Gilgal, at bigla silang lumusob sa mga kalaban na walang kamalay-malay.
10Sinindak ng Panginoon ang mga kalaban nang makaharap nila ang mga Israelita, at marami sa kanila ang pinatay doon sa Gibeon. Ang iba sa kanilaʼy hinabol at pinatay sa daang paakyat sa Bet-horon hanggang sa Azeka at Makeda.
11Patuloy ang paghabol sa kanila ng mga Israelita habang bumababa sila galing sa Bet-horon. At nang papunta sila sa Azeka, pinaulanan sila ng Panginoon ng malalaking yelo at namatay sila. Mas marami pang namatay sa kanila sa yelo kaysa sa espada ng mga Israelita.