Josue 11

sa mga hari ng mga Cananeo sa silangan at sa kanluran ng Ilog Jordan, sa mga hari ng mga Amoreo, Heteo, Perezeo, Jebuseo na nakatira sa kabundukan, at sa mga hari ng mga Heveo sa ibaba ng Bundok ng Hermon sa lupain ng Mizpa.

Joshua 11:3 (UKJV) And to the Canaanite on the east and on the west, and to the Amorite, and the Hittite, and the Perizzite, and the Jebusite in the mountains, and to the Hivite under Hermon in the land of Mizpeh.

1Nang mabalitaan ni Haring Jabin ng Hazor ang mga tagumpay ng Israel, nagpadala siya ng mensahe kay Haring Jobab ng Madon, sa mga hari ng Shimron at Acsaf,

2sa mga hari ng kabundukan sa hilaga, sa mga hari ng Kapatagan ng Jordan na nasa timog ng Lawa ng Galilea, sa mga hari ng kaburulan sa kanluran, sa mga hari ng Nafot-dor sa kanluran,

3sa mga hari ng mga Cananeo sa silangan at sa kanluran ng Ilog Jordan, sa mga hari ng mga Amoreo, Heteo, Perezeo, Jebuseo na nakatira sa kabundukan, at sa mga hari ng mga Heveo sa ibaba ng Bundok ng Hermon sa lupain ng Mizpa.

4Dumating ang lahat ng hari, kasama ang mga sundalo nilang kasindami ng buhangin sa dagat. Marami rin silang kabayo at karwahe.

5Nagtipon ang mga haring ito at nagkampo sila sa tabi ng Batis ng Merom para labanan ang Israelita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.