Josue 11

Nang mabalitaan ni Haring Jabin ng Hazor ang mga tagumpay ng Israel, nagpadala siya ng mensahe kay Haring Jobab ng Madon, sa mga hari ng Shimron at Acsaf,

Joshua 11:1 (UKJV) And it came to pass, when Jabin king of Hazor had heard those things, that he sent to Jobab king of Madon, and to the king of Shimron, and to the king of Achshaph,

1Nang mabalitaan ni Haring Jabin ng Hazor ang mga tagumpay ng Israel, nagpadala siya ng mensahe kay Haring Jobab ng Madon, sa mga hari ng Shimron at Acsaf,

2sa mga hari ng kabundukan sa hilaga, sa mga hari ng Kapatagan ng Jordan na nasa timog ng Lawa ng Galilea, sa mga hari ng kaburulan sa kanluran, sa mga hari ng Nafot-dor sa kanluran,

3sa mga hari ng mga Cananeo sa silangan at sa kanluran ng Ilog Jordan, sa mga hari ng mga Amoreo, Heteo, Perezeo, Jebuseo na nakatira sa kabundukan, at sa mga hari ng mga Heveo sa ibaba ng Bundok ng Hermon sa lupain ng Mizpa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.