3Sakop din niya ang silangan ng Kapatagan ng Jordan, mula sa Lawa ng Galilea hanggang sa Bet-jeshimot, sa silangan ng Dagat na Patay at hanggang sa timog sa ibaba ng libis ng Pisga.
4Ang ikalawa ay si Haring Og ng Bashan. Isa siya sa mga naiwan na Refaimeo. Nakatira siya sa Astarot at sa Edrei.
5Ang sakop ng kaharian niya ay ang Bundok ng Hermon, Saleca, ang buong Bashan hanggang sa hangganan ng Gesur at Maaca, at ang kalahati ng Gilead, hanggang sa hangganan ng Hesbon na sakop ni haring Sihon.
6Tinalo sila ni Moises, na lingkod ng Panginoon, at ng mga Israelita. Ibinigay ni Moises ang lupain ng mga ito sa lahi ni Ruben, Gad at sa kalahating lahi ni Manases bilang mana nila.