1Sinakop na ng mga Israelita ang mga lupain sa silangan ng Kapatagan ng Jordan, mula sa Lambak ng Arnon hanggang sa Bundok ng Hermon, kasama na rito ang lupain sa silangan ng Kapatagan ng Jordan. Ito ang mga hari sa mga lugar na natalo ng mga Israelita: Si Sihon na Amoreo na nakatira sa Hesbon. Sakop ng kaharian niya ang kalahati ng Gilead. Ito ay mula sa Aroer sa tabi ng Lambak ng Arnon, at mula sa gitna nito hanggang sa Ilog Jaboc, na siyang hangganan ng lupain ng mga Amonita.
3Sakop din niya ang silangan ng Kapatagan ng Jordan, mula sa Lawa ng Galilea hanggang sa Bet-jeshimot, sa silangan ng Dagat na Patay at hanggang sa timog sa ibaba ng libis ng Pisga.
4Ang ikalawa ay si Haring Og ng Bashan. Isa siya sa mga naiwan na Refaimeo. Nakatira siya sa Astarot at sa Edrei.
5Ang sakop ng kaharian niya ay ang Bundok ng Hermon, Saleca, ang buong Bashan hanggang sa hangganan ng Gesur at Maaca, at ang kalahati ng Gilead, hanggang sa hangganan ng Hesbon na sakop ni haring Sihon.