4Ang ikalawa ay si Haring Og ng Bashan. Isa siya sa mga naiwan na Refaimeo. Nakatira siya sa Astarot at sa Edrei.
5Ang sakop ng kaharian niya ay ang Bundok ng Hermon, Saleca, ang buong Bashan hanggang sa hangganan ng Gesur at Maaca, at ang kalahati ng Gilead, hanggang sa hangganan ng Hesbon na sakop ni haring Sihon.
6Tinalo sila ni Moises, na lingkod ng Panginoon, at ng mga Israelita. Ibinigay ni Moises ang lupain ng mga ito sa lahi ni Ruben, Gad at sa kalahating lahi ni Manases bilang mana nila.
7Sinakop din ni Josue at ng mga Israelita ang mga lupain sa kanluran ng Jordan, mula sa Baal-gad sa Lambak ng Lebanon hanggang sa Bundok ng Halak na paahon sa Seir. Ibinigay ni Josue ang mga lupaing ito sa mga Israelita bilang mana nila. Hinati niya ito ayon sa bawat lahi nila. Ang mga lupaing ito ay ang mga kabundukan, mga kaburulan sa kanluran, ang Kapatagan ng Jordan, ang mga libis, ang disyerto sa timog, at ang Negeb. Tinirhan ito dati ng mga Heteo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Heveo, at mga Jebuseo. Ito ang mga hari ng mga lugar na iyon na tinalo ni Josue at ng mga Israelita: