10Umabot ito sa lahat ng bayan na pinamahalaan ni Sihon na Amoreo na naghari sa Hesbon, hanggang sa hangganan ng mga Amonita.
11Nakasama rin ang Gilead at ang mga lupaing tinirhan ng mga Gesureo at mga Maacateo at ang buong lugar na tinatawag na Bundok ng Hermon, at ang buong Bashan hanggang Saleca.
12Nakasama rin ang kaharian ni Og na hari ng Bashan na naghari sa Astarot at sa Edrei. Si Og ay isa sa mga naiwang Refaimeo. Silaʼy tinalo ni Moises at itinaboy sa kanilang mga lupain.
13Ngunit hindi naitaboy ng mga Israelita ang mga taga-Gesur at mga Maacateo, kaya nakatira pa rin sila kasama ng mga Israelita hanggang ngayon.
14Hindi binigyan ni Moises ang lahi ni Levi ng lupain bilang mana. Ang matatanggap nila ay ang bahagi ng mga handog sa pamamagitan ng apoy na para sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, ayon sa sinabi niya kay Moises.