Josue 13

Hindi binigyan ni Moises ang lahi ni Levi ng lupain bilang mana. Ang matatanggap nila ay ang bahagi ng mga handog sa pamamagitan ng apoy na para sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, ayon sa sinabi niya kay Moises.

Joshua 13:14 (UKJV) Only unto the tribes of Levi he gave none inheritance; the sacrifices of the LORD God of Israel made by fire are their inheritance, as he said unto them.

12Nakasama rin ang kaharian ni Og na hari ng Bashan na naghari sa Astarot at sa Edrei. Si Og ay isa sa mga naiwang Refaimeo. Silaʼy tinalo ni Moises at itinaboy sa kanilang mga lupain.

13Ngunit hindi naitaboy ng mga Israelita ang mga taga-Gesur at mga Maacateo, kaya nakatira pa rin sila kasama ng mga Israelita hanggang ngayon.

14Hindi binigyan ni Moises ang lahi ni Levi ng lupain bilang mana. Ang matatanggap nila ay ang bahagi ng mga handog sa pamamagitan ng apoy na para sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, ayon sa sinabi niya kay Moises.

15Ito ang bahagi ng lupain na ibinigay ni Moises sa lahi ni Ruben, na hinati ayon sa bawat pamilya:

16Ang nasasakupan nila ay mula sa Aroer na nasa tabi ng Lambak ng Arnon (kasama na ang bayan sa gitna nito) hanggang sa buong talampas ng Medeba.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.